Search
  • The Pasig Review

Para sa AMIN

Jonathan Olabre, Columnist


Para sa amin. Para sa Inyo. Para sa Atin.


Mayroong panahon para mag-post sa Facebook, mag-diskusyon, magsulat at kumilos. Iba-iba tayo ngunit darating ang panahon na tatawirin natin ang mga sarili nating Rubicon.


Dumalo ako sa rally ng SONAgkaisa. Hindi ako ka-anib ng ano-mang grupo. Tanging kasama ko lang ay ang aking pamangkin na si Anton Lean Medina. Ang bitbit namin ay dalawang sandwich, tubig, jacket at isang payong.


Hindi kami pumunta dahil sa isang politiko, ideolohiya, grupo at dahil kanino. Kami ay hindi inimbita ng kung sino man na pumunta. Kami ay pumunta dahil hindi kami maka-papayag at ayaw namin bigyan ng pahintulot ang nagaganap sa ating bayan ngayon. Hindi ako sang-ayon sa Anti-Terrorism Law at sa stratehiya sa pamamalakad sa panahon ng COVID19 Pandemic ng pamahalaan. Kahit hindi ako fan ng ABS-CBN ay tutol ako na ipa-sara ito. Ito ay ilan lamang sa mga dahilan kaya kami nagpunta.


Alam namin na maraming mga pulis na dadaanan. Bagkus ay duon pa nga sa harap ng isang Police Van kami bumaba patungo sa rally. Lahat ng pulis na dinaanan namin ay sinabihan ko ng "Good Morning!" at sila naman ay sumagot din ng "Good Morning sir!"

Wala kaming grupo na kasama pero sumama kami sa iba't-ibang organisasyon tulad ng Liberal Party ng Caloocan at mga members ng Tindig Pilipinas. Kami lang ang mga taga-Pasig na kasama sa malaking grupo na yun. Kapag kami ay tinatanong kung kanino kami kasamang grupo ay ang sagot namin ay "Taga-Pasig kami.


Subalit hindi naman kami "isolated" bagkus ay tumutulong kami na ayusin ang mga hanay para masunod ang Social Distancing.

Nang makarating na kami sa University Avenue ng UP ay natunghayan namin kung gaanong karami na ang mga nandoon. Saksi kami sa mga grupo na dumarating pa. Nauna kami na kasama ng mga SocDem ngunit mabilis na kasunod ang Religious Sector na kinabibilangan ng mga taong taga-simbahan.


Merong mga monghe na may mga kasamang mga madre at merong mga miyembro ng UCCP na mainline Protestants. Di nag-tagal ay dumating na ang mga RA at kasunod nila ang mga RJ. Dumating din ang mga Health Workers, GreenPeace Coalition at maging ang mga Magdalo.


Pumili ako ng puno para may lilim kami at doon namin inilapag ang mga gamit. Sabi ko sa pamangkin ko na ito ang aming "Command Post."


Sari-sari ang mga nakapaligid sa amin. Sa aming harap ay mga madre na bumili ng taho at inilatag nila ang mga tarpaulins upang maupuan nila. Sa likod naman namin ay merong isang nag-iisang miyembro ng Liberal Party - Manila na nag-bisikleta makalahok lang sa rally. Inalok pa nga ako ng yosi. Sa aming kanan ay merong mga naka motorsiklo, at espiya na kumukuha ng larawan ng mga dumadalo. Alam ko ang tipo nila. Matagal ko nang nakilala ang mga tulad nila kasi hindi nagbago ang mga estilo mula nung panahon pa ni Marcos. Bakit ba naman kasi naka- combat boots at naka-ranger tuck-in pa. Sa aming kanan ay mga anarkista na inalok pa kami ng pagkain.


Mula Dilawan hanggang Pulahan makikita mo ang pagkakaisa ng mga may iba't-ibang paniniwala.


Ang aking pag-dalo ay para ipaglaban ang ating mga karapatan, kalayaan, at mamuhay ng matiwasay at walang takot.


Ito ang natural na mangyayari. Papunta na tayo. Ituloy ang laban!


John has long legs.


The chair is against the wall.


Wounds my heart with a monotonous languor.









61 views0 comments

Recent Posts

See All