Search
  • The Pasig Review

Lulan ng Dalampasigan: Isang Taong Kampanya Laban sa Korapsyon

Anton Lean Medina, Staff Writer


(Lulan means ‘load’, Dalampasigan means ‘sandy banks of a river’, so literally this is ‘the load of the sandy banks of the river’. The previous administration left a heavy load to the next boatman, the new administration, who’ll set sail with the rest of the Pasiguenos, and the ‘dalampasigan’ is also a nod to ‘Pasig’.


Sa likod lang ng L300 van na may make-shift na speakers na minsa’y pawala-wala pa ang tunog at may pailaw na flashlight lang na bitbit ng isa sa mga volunteers sa kampanya, doon nakatayo ang noong nangangampanya pa lamang sa pagka-alkalde, na ngayo’y Mayor na -- si Vico Sotto. Grassroots campaign kung tawagin, taliwas sa nakasanayan nang pamumulitika ng mga trapo na dinadaan sa mga palamuti at pagpapapogi ng mga kandidato. Tila naging hudyat ito ng bagong kabanata para sa panunungkulan sa lungsod at sa mga taong naghahangad ng pagbabagong matagal nang pinagkait.


Ngayon, mahigit isang taon na ang nakalipas mula nang magsimulang manungkulan si Vico bilang alkade ng Lungsod ng Pasig, ngunit hindi naging madali ang unang taon ng kaniyang panunungkulan. Mula sa electoral protest ng dating alkalde hanggang sa pinsalang pang-ekonomiya sa mga mamamayan dulot ng COVID-19, samu’t saring hamon ang kinaharap ng bagong administrasyon, ngunit hindi ito naging hadlang ayon sa alkalde upang magampanan ng gobyerno ng Pasig ang kanilang tungkulin, lalo na sa harap ng krisis ngayon. Kaya kama-kailan lang ay pinaunlakan tayo ng alkalde upang ibahagi ang kasalukuyang estado ng programa kontra sa korapsyon matapos ang unang taon ng panunungkulan ng bagong administrasyon.


Anton Medina: Isa po sa mga malalaking pagbabago galing po sa agenda ninyo ay yung Kontra Korapsyon at parte po nito ay iyong pag-gawa ng Government Efficiency and Anti-Corruption Commission. Kumusta po ang progreso sa pag-develop nito at ano po ang mga puwede naming asahan sa mga susunod na buwan lalo na po’t may mga reklamo po sa baranggay level patungkol po sa ayuda ngayong pandemya?


VS: Gumawa po tayo ng proseso kung saan ang ordinaryong maamamayan ay nakapagbibigay ng reklamo at impormasyon sa pamamagitan ng Uganayan sa Pasig, isang high-performing unit ng lungsod na kita nang maraming resulta, mas maraming nakasuhan at natanggal sa posisyon dahil sa korapsyon in a span of 1 year kumpara noong nakaraang 20 years. Yung sa department head level na cases, ongoing pa, pero ngayon lang nangyari yun. Dumaan yan sa matinding proses, mula sa pagappatibay ng ebidensya hanggang sa pagpapalakas ng loob ng mga witnesses, kasama lahat yan.


Isang halimbawa ay may isang enforcer na navideohang tumatanggap ng pera sa truck. Bakit tumatanggap ng pera yan? So we filed an admin case, but as it turns out, 20 pesos lang pala ang natanggap at pinambili ng sigarilyo para sakanila ng driver ng truck, at ang antira lang apla sakaniya ay 5 pesos. So napaisip kami, para sa 5 pesos tatanggalan ng trabaho? Lumalabas, isa pala siya sa sa mga nakaasign na hindi nangongotong. Mali pa rin, nasuspend pero taking everything to consideration, 5 pesos is nto enought o remove. Not as exciting as “patayin natin sila” pero ganun talaga dapat, may due process. Ongoing admin case, preventive suspension, 2 dep head cases ongoing hearing.


TPMO ang favourite example ko diyan, yan ang isa sa pinaka ramdam ng mga tao. Ngayon ramdam ang differences, nag-iba ang kultura ng buong office na yon. I’m very proud of the leaders for cleaning TPMO, hindi perpekto pero alam anman nating work in progress lahat. We will continue on that and moving forward, after 1 year, it’s time to institutionalize these anti-corruption mechanisms, so ngayon nasa next phase na tayo which is project monitoring, we will strengthen yung internal audit service which is required under the law, unlike in the past wala noon and even yung plantilla niyan mali eh. We’re recruiting internal auditors at engineers, people with expertise.


Currently we’re drafting this (Internal Auditing, Hiring of Experts) ordinance, we’ll submit it to sanggunian (panglungsod), which aaprubahan naman nila yan walang kaduda-duda, dahil para yan sa recruiting internal auditors at eksperto sa engineering. Ngayon, tuluy-tuloy sa tulungan sa monitoring, at nalinis sa procurement, ngayon hanggang sa pag-build ng projects nababantayan natin kung may nakakalusot pa bang corruption, kung yung deliveries ng gamut ay tamang bilang at tamang klase. First time na may pumunta sa bidding and first and foremost, hindi ako tumatanggap. Paano ko masasabihan ang


AM: Isa po rin sa mga pangunahing parte ng Kontra Korapsyon ay iyong pagsasapubliko ng public bidding. Ano po iyong mga apgsubok sa pagsasatupad nito at lalo po ngayon na may mga crucial purchases po for parsa sa pandemic? May plano po ba kayo palawigin pa ang transparency mechanism na ito?


VS: Totoo na at transparent na sa publiko ang existence ng mga bidders at lahat pwede mag participates bidding process. Sa katunayan, malaki ang nasesave sa pagkakaroon ng malinis na bidding process, tapos yung mga savings ay nagamit sa covid-19 response ng Lungsod. Halos nasa 100 Million plus ang na-save na ng lungsod dahil ditto. Halimbawa kung may bidding sa pag-gawa ng drainage at ang dating halaga ay 5 million, tapoos ang nanalo sa bidding ay naibaba sa 4 million ang presyo, may na-save na ang lungsod na 1 million, bale 20% na savings na malaking bagay lalo na’t may mga biglaan tayoing urgent na gastos katulad ng pandemya ngayon. Kaya very transparent na ang proseso- may FB live bidding, ang ebidensya ngayon ay online na, and we see to it na we always try to improve our communications para maipaliwanag sa tao ang mga pagbabago na nagaganap. Hindi sapat na maganda ang ginagawa dahil may pulitika pa rin, kahit ako personally prefer ko ay tahimik lang, imposibleng manahimik dahil communication is part of accountability. Kung napansin niyo nung nagsimula ako, tahimik lang ako dati, pero I quickly learned to share a lot because people are watching, and they deserve to know that the person they voted for is working for them. Major adjustment ko na maging mas vocal. Paminsan-minsan pumapayag sa media.

Sa ngayon we’re working now on electronic procurement since naka GCQ pa rin tayo. The rules are already drafted, we’re just waiting for the approval of national government.


AM: Since ayun nga po marami pa rin pong ‘remnants’ ang lumang pamamalakad sa Pasig at marami pa ring patuloy pa po nating iniimbestigahan, gaya po ng nabanggit ninyo, naalala ko po sa isa sa mga talumpati po ninyo, na ang “sign of good leadership is developing more leaders”. Sa kasalukuyan po kailangan na rin po ng mga bagong ehenrasyon na papalit sa mga kasalukuyang nakaupo, may plano po ba kayo na gumawa ng mekanismo o programa para makapaghubog ng bagong mga lider?


VS: Yung Scholarship program, kung maaalala niyo, tinanggal na naming ang unnecessary programs, at papalitan ng mga mas makabuluhan, kasonaabutan lang ng covid crisis. Pero ipapalit naming dito ay ang personality development, holistic development program sa scholarship program. Malaking hakbang ito kumpara sa dating mga walang kabuluhang programa. Pati na rin within city hall, may mga inassignan tayo ng mga bagong tasks at nadedevelop ang skills nila along the way dahil hinahayaan ko sila gawin ang trabaho nila at hinihintayin ang output, peopleturn out to delivered well, so through this, we are able to discovered new leaders within the city hall.


‘Business as Usual’ para sa Tanghalan

Sa simula pa lamang ng panunungkulan ng bagong administrasyon, marami na ang usap-usapan at pagaalinlangan kung ano ang magiging kalagayan ng mga empleyado at mag dating itinalaga ng nakaraang administrasyon. Pero mariing pinabulaanan ng bagong alkalde na basta-basta lamang magtatanggal ng mga nasa posisyon, bagkus, nararapat na dumaan ang lahats a tamang prosesong naaayon sa batas.


Pinaunlakan rin tayo ng OIC ng Tanghalang Pasigueno na si Mr. Jojo Luna upang ibahagi ang kaniyang karanasan sa pagseserbisyo-publiko at ang kaniyang pagiging parte ng Transition Team ng bagong amdinistrasyon.


Anton Medina: Puwede niyo po ba kami bigyan ng maikling background po ng panunungkulan niyo sa Pasig?


Jojo Luna: I served 18 years, 13 years sa mayor’s office, at since 2017, sa cultural na ako, sa Tanghalan na.


AM: Ano po ang inyong karanasan at mga pagsubok na kinaharap bilang parte ng Transition Team?


JL: No notable complications, talagang focus ko lang is on our department concerns. Since ang Tanghalan ay government owned pero income generating, noong 2017- more or less 9-10 million per anum ang kita. Kaya ang focus naming talaga, lalo noong nagclose door meeting with Mayor, is to answer ‘to whom will Tanghalan serve?’ Kaya ako, hindi nahirapan. Kaunting adjustment lang. Mostly pakikisama sa ‘new faces” ng mayor’s office, at ang naging focus din naming is yung coordination at logistics ng Tanghalan. Purely work, non-political.

Kaya it’s a matter of communication, communicating the concerns of the office. Yung basic lang na pakiusap ng advise at least 1 day before the usage (of tanghalan facilities). At ako, my strategy against politicking is basically the past 15 years doesn’t matter, loyalty is on the people.


AM: Kamusta po ang pamamalakad noon kumpara sa pamamalakad ngayon?


JL: Wala naman halos differences. Hanggang ngayon ako talagang always follow the mayor, since income generating, requisition from office of the mayor, pag naka book na hindi na pupuwedeng baguhin, that’s the rule. Timpla ng income generating and requisition talaga. May differences sa accounting kasi noon sa agaency kami kumukuha ng utlity staff, so we’re collecting overtime from event renter. Itong overtime receipt issue, nirereview na ngayon sa mayor’s office.

As a matter of fact from July to December (2019)- observation period kami. After 5 months, kinausap ako ni Mayor at sabi “Release ko na appointment mo, naimbestigahan na kita.” So talagang kinilatis ng bagong admin yung mga departments.


AM: Bilang panghuli at pampagaan na tanong, bakit masaya maglingkod sa Pasig?


JL: Ang nagddrive talaga sa akin ay yung willingness to work, yung enjoyment sa trabaho, and siyempre kailangan ng trabaho. Naibabahagi ko rin s a employees ko ang willingness sa trabaho.


324 views0 comments